
Basahin o pakinggan ang sumusunod na talata.
Huling Hapunan ni Jesus
26:26Habang kumakain sila, kumuha si Jesus ng tinapay. Nagpasalamat siya at pagkatapos ay hinati-hati niya ito at ibinigay sa mga tagasunod niya. Sinabi niya, “Kunin ninyo at kainin; ito ang aking katawan.” 27Pagkatapos, kumuha siya ng inumin, nagpasalamat , at ibinigay sa kanila. Sinabi niya, “Uminom kayong lahat nito, 28dahil ito ang aking dugo na ibubuhos para sa kapatawaran ng kasalanan ng maraming tao. Katibayan ito ng bagong kasunduan ng Dios sa mga tao. 29Sinasabi ko sa inyo na hindi na ako muling iinom ng inuming mula sa ubas hanggang sa araw ng paghahari ng aking Ama. At sa araw na iyon, iinom ako ng bagong kasama ninyo sa kaharian ng aking Ama.” 30Umawit sila ng papuri , at pagkatapos ay pumunta sila sa Bundok ng mga Olibo.Sinabi ni Jesus na Ikakaila Siya ni Pedro
Maglaan ng ilang sandali upang muling isalaysay ang kwento sa iyong sariling mga salita. Baka gusto mong mag salita, o isulat ito. Kung nalaman mong nahihirapan kang tandaan ito, basahin o pakinggan itong muli.
Kapag sa tingin mo na pamilyar ka na sa kwento, maglaan ng ilang oras para pag-isipan o pag-usapan ang mga sumusunod na katanungan.
Get Discovery Bible Studies on your phone
Discover copyright ©2015-2026 discoverapp.org
Tagalog scripture Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible). Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.