Tuklasin

Pag-aaral 29

Pagtubos: Inihayag ni Hesus ang sarili at pumunta sa langit

Lucas 24:36-53

Hakbang 1: Basahin ang kwento

Basahin o pakinggan ang sumusunod na talata.

x1.0

Nagpakita si Jesus sa mga Tagasunod Niya

24:36Habang pinag-uusapan nila ito, nagpakita si Jesus at tumayo sa kalagitnaan nila, at binati sila, “Sumainyo ang kapayapaan!” 37Pero nagulat sila at natakot dahil akala nila ay multo ang nakita nila. 38Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Bakit kayo natatakot? At bakit kayo nag-aalinlangan? 39Ako talaga ito. Tingnan ninyo ang mga kamay at paa ko. Hawakan ninyo ako at pagmasdan. Ang multo ay walang laman at buto pero ako ay mayroon.” 40[Pagkasabi niya nito, ipinakita niya sa kanila ang kanyang mga kamay at paa.] 41Sa kagalakan nila at pagkamangha, halos hindi pa rin sila makapaniwala. Kaya tinanong sila ni Jesus, “Mayroon ba kayong pagkain dito?” 42Binigyan nila si Jesus ng isang hiwa ng inihaw na isda. 43Kinuha niya iyon at kinain sa harap nila.

44Pagkatapos, sinabi niya sa kanila, “Sinabi ko na sa inyo noong magkasama pa tayo na kailangang matupad ang lahat ng nasusulat tungkol sa akin sa Kautusan ni Moises, sa mga propeta at sa mga Salmo.” 45At binuksan ni Jesus ang isip nila upang maunawaan nila ang Kasulatan. 46Sinabi niya sa kanila, “Ayon sa Kasulatan, kailangang magtiis ng hirap at mamatay ang Cristo ngunit muling mabubuhay sa ikatlong araw. 47At dapat ipangaral sa buong mundo, mula sa Jerusalem, na sa pamamagitan niyaʼy patatawarin ng Dios ang nagsisisi sa kanilang mga kasalanan. 48Kayo ang mga saksi sa mga bagay na ito. 49Isusugo ko sa inyo ang ipinangako ng Ama, kaya manatili muna kayo rito sa Jerusalem hanggang sa dumating sa inyo ang kapangyarihan mula sa langit.”

Ang Pag-akyat ni Jesus sa Langit

50Pagkatapos, isinama sila ni Jesus sa Betania. Pagdating doon, itinaas niya ang mga kamay niya at pinagpala sila. 51At habang pinagpapala niya sila, iniwan niya sila at iniakyat siya sa langit. 52Siya ay sinamba nila at bumalik sila sa Jerusalem na punong-puno ng kagalakan. 53At palagi silang nasa templo na nagpupuri sa Dios.

Hakbang 2: Ikwento muli ang Kwento

Maglaan ng ilang sandali upang muling isalaysay ang kwento sa iyong sariling mga salita. Baka gusto mong mag salita, o isulat ito. Kung nalaman mong nahihirapan kang tandaan ito, basahin o pakinggan itong muli.

Hakbang 3: Tuklasin ang Kwento

Kapag sa tingin mo na pamilyar ka na sa kwento, maglaan ng ilang oras para pag-isipan o pag-usapan ang mga sumusunod na katanungan.


Get it on Google Play
Download on the App Store

Get Discovery Bible Studies on your phone

Discover copyright ©2015-2026 discoverapp.org

Tagalog scripture Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible). Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ® Used by permission of Biblica, Inc.® All rights reserved worldwide.